Kung hindi mo pa alam kung ano ang bungang araw, eksakto naman at at nahanap mo ang blog na ito! Ang bungang araw, na kilala rin sa tawag na “prickly heat rash” sa Ingles, ay ang mga mapupula at maliliit na tuldok sa balat.
Maliban sa mga tuldok na itong mukhang tigyawat sa katawan, may kasama rin itong mga sintomas tulad ng:
- Pag-angat ng balat,
- Pamumula ng balat,
- Mainit na pakiramdam sa balat o parte ng katawan na apektado,
- Pangangating di napapawi,
- Ipon-ipon na mga maliliit na bukol na minsan ay nagtutubig,
- At mahapding sensasyon.
Dito sa Pilipinas, karaniwan ang bungang araw, lalo na tuwing tag-init o summertime. Pero di ibig sabihin nito ay di ka na magkakaroon ng bungang araw pagdaan ng tag-init. Kahit sino, mapa-bata, matanda, tatay, nanay, lolo, lola, dalaga, binata, mataba, payat, pawisin man o hindi, ay posibleng magkaroon ng bungang araw.
Kung interesado kang malaman kung ano ang sanhi at solusyon sa bungang araw, umi-scroll ka lang pababa at magbasa!
Mga Sanhi ng Bungang Araw
Maraming posibleng sanhi ang bungang araw, lalo na dito sa Pilipinas kung saan kadasalan ay mainit ang panahon – umaga man o gabi. Pero itong init ng panahaon nga lang ba ang dahilan kaya tayong mga Pinoy ay madalas magkaroon ng bungang araw?
Ang bungang araw ay sanhi ng mga baradong butas sa katawan natin kung saan dumadaloy ang pawis. Sa init ng panahon, o sa ibang kadahilanan, ay kumikitid o nagbabara ang daluyan ng pawis, o ang “sweat ducts,” sa ating katawan. Dahil dito sa naiipon na pawis sa ilalim ng balat kaya lumilitaw ang mga maliit na tuldok at bukol na sanhi ng pangangati at pamumula ng balat.
Heto ang listahan ng iba pang mga posibleng sanhi ng bungang araw:
- Mala-impyernong init at mahalumigmig na panahon
- Mga pisikil na aktibidades na magdudulot ng sobrang pagpapawis
- Mga makapal na tela at masikip na mga kasuotan at damit
- Pagsuot ng makapal at mahigpit na benda sa pawisin na parte ng katawan
- Mataas na lagnat o mga sakit na magdudulot ng mataas na temperatura sa katawan
- Mga sakit na nagdudulot ng sobrang pagpapawis
- Mga kemikal na nilalagay sa balat at nakakabara sa daluyan ng pawis
Ilang Araw Bago Mawala Ang Bungang Araw?
Depende sa kung gaano kalala ang mga sintomas ng iyong bungang araw at sa lunas na ginamit ay nawawala naman ang bungang araw nang mag-isa; mula sa loob ng 24 oras hanggang dalawa o tatlong araw, ngunit dapat alalahanin na maaari itong bumalik nang biglaan. Minsan, aabot din ng higit sa isang linggo ang bungang araw kapag hindi ito binigyan pansin.
Sa mga malubhang sitwasyon na ang bungang araw ay di nawawala, sobra ang pangangati, nagsusugat, o kumikirot ang balat tuwing nahahawakan o nababasa, pumunta agad sa propesyonal na manggagamot, doktor, o ispesiyalista sa balat. Dapat hindi ito ipagsawalang-bahala at matignan agad.
Paano Mawala Ang Bungang Araw?
Tulad ng nabanggit, depende sa lagay ng bungang araw at agarang lunas kung ang balat ay gagaling agad. Sa mga di gaanong malubha na sintomas ng bungang araw ay nawawala naman ito kasabay ng paglamig ng katawan.
Ngunit, para mapawi ang mga nakakairitang sintomas ng bungang araw, tulad ng sobrang pangangati at mahapding balat, may mga agarang lunas na pwedeng gawin sa loob lamang ng bahay.
5 na Gamot sa Bungang Araw
Heto ang listahan ng mga posibleng lunas at iba pang gamot sa bungang araw:
1. Herbal na Langis Pang-Gamutan

Ang Moringa-O2 ang iyong araw-araw na kasama sa pag-alaga ng iyong balat. Gamit ang herbal na pormula ng langis ng malunggay, mirasol, at oliba, nabibigyan ng kaukulan na sustansya ang iyong balat, tulad ng vitamin A, vitamin B (thiamine, riboflavin, niacin, folate), vitamin C, calcium, potassium, at iba pa!
Dahil malakas at protektado ang balat dahil sa sustanya ng herbal na langis pang-gamutan, lilinaw ang balat na may bungang araw at maiibsan ang mga sintomas tulad ng iritasyon, pamumula, o pangangati.
Mainam ipahid ang pang-gamutan na langis ng malunggay sa balat na apektado ng bungang araw nang isa hanggang tatlong beses sa isang araw, depende sa lubha ng sintomas. Makikita ang paggaling sa loob ng ilang araw.
Madali lang itong mabibili online sa Shopee, Lazada, o sa pinakamalapit na botika, palengke, o grocery. Magtabi na ng bote nito sa bahay para laging handa sa pag-atake ng bungang araw.
2. Dyel o Jel ng Sabila
Tulad ng lanigs pang-gamutan, ang dyel ng sabila, o kilala rin sa tawag na “Aloe Vera Gel,” ay mainam ipahid sa balat na may bungang araw. Napapawi ang iritasyon, pamumula, at pangangati sa balat at nababawasan ang pamamaga.
Ipahid ang dyel ng sabila nang tatlong beses sa isang araw at makikita ang paggaling ng bungang araw sa loob ng ilang araw.
Madali rin makakahanap ng mga produktong tulad nito online o sa mga botika at grocery.
3. Langis ng Puno ng Tsaa
Isa pang natural na solusyon sa bungang araw, ang langis ng puno ng tsaa, o kilala sa tawag na “Tea Tree Oil,” ay mainam na panlaban sa mikrobyo at pamamaga o paglobo ng balat. Ginagamit din ito sa paggamot ng tigyawat, eksema, at soryasis.
Para gamitin ito bilang lunas sa bungang araw, patakan lang ang apektadong parte ng balat nang tatlong beses sa isang araw.
Makikita rin ang mga botelya ng langis ng puno ng tsaa online.
4. Calamine Lotion, Hydrocortisone Cream, Antihistamine na Gamot
Kung kinakailangan, gumamit ng calamine lotion, hydrocortisone cream, o antihistamine na gamot. Pero importante rin na kumonsulta muna sa espesiyalista o doktor, bilang ito ay mga produkto na kailangan ng kanilang rekomendasyon bago gamitin na lunas sa bungang araw.
Ang calamine lotion ay medikasyon na ipinapahid sa balat na may bungang araw at ilan pang karamdaman tulad ng mga sunburn at alerhiya. Ito ay may zinc oxide at ferric oxide, na magkasamang gumagawa ng panangga para sa balat at nakakabawas sa pamamaga at pangangati.
Ang hydrocortisone cream naman ay isang klase ng steroid na ipinapahid sa balat at ginagamit para makabawas sa pamamaga at pangangati sanhi ng bungang araw. Mabibili ito ng over-the-counter o “OTC” na walang preskripsyon.
Panghuli naman ang antihistamine na gamot. Ito ay madalas ginagamit para makabawas sa pamamaga at pangangati gamit ang pagharang sa mga histamine receptors. Ang histamine ay isang kemikal na nilalabas sa loob ng katawan bilang sagot sa mga reaksyon sa alerhiya. Tulad ng hydrocortisone cream, mabibili ito nang OTC.

5. Malamig na Siksik o Ice Pack
Ang pinakasimpleng solusyon sa bungang araw ay ang paglapat ng malamig na siksik, o “cold compress” sa Ingles. Pwede rin gumamit ng ice pack at ilapat ito sa apektadong parte ng katawan na may bungang araw. Makakatulong ito para mapawi ang mainit na pakiramdam, pamamaga, at iritasyon dulot ng sintomas ng bungang araw.
Mga Gamot sa Bungang Araw ng Baby
Ang balat ng sanggol ay sensitibo at manipis – iba ito sa balat ng bata, teenager, o matanda. Ibig sabihin nito ay dapat may kasamang pag-iingat ang pagtugon sa bungang araw ng isang beybi.
Kapag ang iyong sanggol ay nagpapakita ng mga sintomas ng bungang araw, pinakamabuting aksyon ang pagkonsulta sa kanyang pediatrician. Depende sa rekomendasyon ng doktor ay saka lamang bigyan lunas ang bungang araw.
Sa mga sitwasyon na di makakapunta sa doktor agad, mas mabuti na gumamit ng mga lunas na pwede sa sensitibong balat, tulad ng mga langis na herbal.
Sana ay may natutunan ka sa iyong pagbabasa tungkol sa kung ano ang bungang araw, mga sanhi nito, mga sintomas, at ang mga pang-agarang solusyon.
Tandaan na ang Moringa-O2 ay hindi doktor at dapat ay lagi tayo kumonsulta sa mga propesyonal na manggagamot bago gumamit ng kahit anong medikasyon o produkto panglunas sa sakit o karamdaman tulad ng bungang araw.
Bisitahin ang aming website para sa mga herbal na produktong pangbalat!