Paano Gamutin Gamit ng Malunggay ang Bungang Araw sa Buntis?

Habang nagbubuntis, maraming nag iiba sa katawan ng babae. Isa dito ang pagiging mas-sensitibo sa iba’t ibang bagay tulad ng init. Sa Pilipinas, hindi nakakagulat marinig na ang mga bata ay nagkakaroon ng bungang araw dahil hindi pa nagdedebelop ng buo ang kanilang sweat glands. Ngunit pag tumanda na ay hindi na masyadong nagiging problema ito, kaya maraming nagugulat tuwing nagkaka-bungang araw ang buntis.

Ang bungang araw sa buntis ay natural na nangyayari. Kasohindi nagiging komportable ang buntis dahil sa pangangati at pag-iinit sa katawan na dulot nito. Isinulat namin ang blog na ito para matulungan ang mga buntis na mapagaling ang kanilang bungang araw. Ang mga paraan na isinulat namin ay ligtas para sa nanay at sa bata.

Ano ang Bungang Araw?

Ang bungang araw o prickly heat sa ingles, ay sanhi ng baradong butas sa katawan kung saan dumadaloy ang pawis. Ang pawis ay naiiwan sa loob ng balat at dahil dito, nagbubutlig ang balat at nagiging makati. Kadalasan ito’y nagyayari dahil sa init ng panahon. 

Madalas ang bungang araw ay nagbubuo sa dibdib, balikat, at leeg. Pero ang mga buntis ay nagkakaroon rin ng bungang araw sa ilalim ng kanilang dibdib.

prickly heat

Natural lang ba ang Bungang Araw sa Buntis?

Ang pagkakaroon ng bungang araw sa buntis ay natural. Ito ay nangyayari dahil sa pag-iiba ng katawan nila. Mabilis uminit ang katawan ng buntis dahil dumadami ang dugo na napupunta sa kanilang balat, kaya mas lalong umiinit ang kanilang katawan.

Habang nagbubuntis ay nahihirapan ang katawan ng babae na nahihirapan ang katawan nilang kontrolin ang pawis nila. Dahil dito tumataas ang pagkakataon na magkaroon sila ng bungang araw.

Isa pang rason sa bungang araw sa mga buntis ay ang pagkuskos ng balat sa balat o sa damit nila. Dahil dito madalas na naglalagay ng oil tulad ng sunflower oil for pregnant bellies ang mga buntis sa iba’t ibang parte ng katawan para hindi magsugat.

Ano ang Gamot sa Bungang Araw para sa Buntis?

Maraming iba’t ibang home remedy for skin rashes pero ang nilista namin dito ay ang mga natural na paraan para mapagaling ang bungang araw.

cold compress

Maglagay ng Cold Compress sa Apektadong Lugar

Pag nagka bungang araw, maaring maglagay ng cold compress sa balat para lumamig ang lugar na ito. Pag nailagay ito sa balat pwedeng guminhawa ang pangangati at makatulong rin ito sa mas mabilis na pagpapagaling sa bungang araw.

Maligo sa Malamig na Tubig

Ang pagligo gamit ng malamig na tubig ay nakakatulong sa pagpapagaling ng bungang araw, dahil pinapababa nito ang temperatura ng katawan para matanggal ang init sa katawan. Maliban dito, ang pagligo ay nakakatulong rin sa pagtanggal ng pagbabara sa butas ng balat.

powder

Maglagay ng Pulbos

Tulad ng mga ginagawa sa mga bata pag nagpapawis, pwede rin ang mga buntis maglagay ng pulbos sa mga lugar kung saan sila lagi pinapawisan. Ang pulbos ay sumisipsip ng pawis at tumutulong sa pagpapanatili na malamig ang katawan.

aloe vera

Gumamit ng Aloe Vera

Isa sa mga pwedeng gamitin para malunasan ang bungang araw at pangangati ay ang aloe vera. Ipahid ang aloe vera sa apektadong lugar.

Para sa dagdag ginhawa, pwede ilagay ang aloe vera sa ref para lang malamig ito pag pinahid na sa bungang araw.

Gumamit ng Gawgaw

Ang paglagay ng gawgaw sa bungang araw ay isa rin sa mga inirerekomendang paraan para pagalingin ang sakit na ito. 

Maglagay ng dalawang kutsara ng cornstarch at ihalo ito sa tubig. Pag parang paste na ito, ilagay ng direkta sa bungang araw para masipsip ang pawis at tumulong sa pagpapagaling ng iritadong balat.

Moringa Herbal Oil

Gumamit ng Malunggay Oil

Para sa pregnant women, malunggay ay isa sa mga pwedeng gamitin dahil isa itong natural na sangkap. Pwedeng ipahid ang malunggay oil sa apektadong lugar para malinis, mapagaling, at maprotektahan ang balat sa bungang araw.

Ang malunggay ay pwede ring makapagbigay ng ginahawa sa pangangati na dulot ng bungang araw. Maliban sa pagpapagaling ng bungang araw, pwede rin ang malunggay oil for stretch marks from pregnancy.

Gumamit ng Tatak na Mapagkakatiwalaan para sa Iyong Pagbubuntis

Ang pagbubuntis ay mahirap, maslalo na’t maraming pwedeng sakit na kumapit sa buntis at limitado lang ang mga pwedeng magamit na produkto para malunasan ito. Kaya importante na makahanap ng produkto na ligtas gamitin ng buntis na kaya magpagaling ng pangangati at tuyong balat, tulad ng Herbal Oil ng Moringa-O2. 

Kung naghahanap ka pa ng ibang herbal na produkto na pwede sa buntis, bisitahin mo ang aming website!

Share this post:
Facebook
Twitter
LinkedIn
Pinterest
Telegram

Related Blogs

a girl brushing her hair

Essential Hair Serum Ingredients for Healthy, Beautiful Locks

Dryness, frizz, breakage, and hair fall are some of the most common hair concerns. These can be worsened by daily heat styling, pollution, stress, and chemical treatments. Incorporating a hair serum into your hair care routine helps keep your strands protected, smooth, and healthy beyond shampoo alone. But not all…

a woman with wavy hair

How to Pair the Best Shampoo and Serum for Hair Fall

Hair fall rarely has just one cause. It often comes from a combination of scalp issues, daily damage, and other factors. That is why building a complete and consistent routine matters. Many people ask, what shampoo is good for hair fall? But shampoo alone is not enough. The best results…

woman with a long shiny hair

How to Use Hair Serum: A Simple Guide for Healthier, Shinier Hair

Hair fall, frizz, dryness, and dull strands are common hair concerns for many Filipinos.  Daily stress, pollution, heat styling, and chemical treatments all take a toll. This is where hair serum comes in. When used correctly, it helps protect your hair, improve shine, and keep your hair manageable without weighing…